Martes, Hunyo 21, 2011
Paslit
Kailan kaya matatapos ang paghihirap ni Juan Dela Cruz? o kailan kaya ang katapusan o pagunaw ng mundo para matapos
na din ang kahirapan ng tao?
Sa mga walang pag asa sa buhay ito ang kanilang hiling... anu rin kaya ang hiling ng mga taong walang makain sa araw-araw?
Isang gabi pauwi na ako galing office, medyo natagalan ako sa pag uwi kasi sinamahan ko pa ang girlfriend ko mamili ng damit.
pumara ako ng bus sa may SM Megall papuntang Cubao. Kasabay ko ag ang girlfriend ko sa bus kasi parehas din naman kami ng uuwian, sa makatwid ay nasa isang bahay lang kami. Dumating kami ng Cubao saktong alas 11:00PM, at dumaan sa may Farmers Market, kakain sana kami ng lugaw sa paborito ko na lugawan kaso sarado na yung tindahan, nakakapag taka nga at maaga sila nag sara, usually kasi saktong 12:00AM yun nagsasara, tinanung ko ung takatak boy kung bakit maaga sila nag sara?, sagot ng takatak boy,
na lagi ko kasabay kumain dun, "Wala kasi customer sir!, kea maaga umuwi si ate.". Si ate na binangit ng takatak boy ay yung sales lady na pinopormahan nya. At dahil medyo palalim ng palalim na ang gabi, minabuti namin na umuwi na, at napagpasyahan din namin na sa may Puregold na din dumaan, kasi wala nang pila na jeep sa ganung oras. Dumaan kami sa may Puregold gilid ng EuroTel o Euro Hotel...
Pagkadaan namin sa gilid na EuroTel ay nakita ko ang isang paslit. Nakayuko siya at sa tabi nya ay iilang piraso ng Sampaguita. Hindi siya
nakahiga, Nakayuko lamang ito na parang pinipisil ang kanyang sikmura, siguro sa sobrang hapdi dahil sa gutom. Sa panahon yun ay sobra sobra ang aking awa sa naturang paslit, at para bang nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nais ko mang tulungan ang bata kaso wala akong magawa, kasi gipit din ako, ni halos wala akong sinahod sa isang buong buwan. Wala akong magawa kundi tingnan na lang ang bata....Sabi ko
nga sa sarili ko, kung nangyaring may pera lang ako ng mga panahon na yun, ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang bata...tancha ko nasa mga sampung taong gulang ang paslit.
Ngayon.....ito ba ang sinasabi ng ating pamahalaan, na wala nang magugutom sa pinoy?, wala nang mamalimos sa kalye ng Metro Manila, Ako mismo
ay hiyang hiya para sa ating bansa, sa kabila ng kaunlaran ng iba ay maraming kapos palad na naiiwan at nagugutom, Mabuti na nga lang siguro
magunaw na ang mundo para lahat tayo magikging pantay panatay, walang mahirap, walang mayaman. Nakikita lang ang ugaling pinoy sa oras ng kagipitan
pero sa panahon na tulad nang sa ngayon ay WALA.... Hindi napapansin ng mga mayayaman at maykapangyarihan ang ganitong issue sa ating lipunan.
Labels:
devorce sa pinas,
kahirapan,
paslit,
philippines,
poor,
squat,
squatters,
starvation
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento