Pages

Ads 468x60px

Martes, Mayo 31, 2011

Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig

Noong araw ng lunes ay maaga akong pumasok para maiwasan ang late at baka ma half day na naman, sa liit ba naman kasi ng sinasahod ko mababawasan pa ng late at halfday. Syempre ganado ako na naglakad pagka baba ng jeep sa may strata 2000. Agad ko naramdaman ang pagka gutom nung makita ko yung kainan na iyon, Siguro ay itago na lang natin sa pangalan na "Kainan ni Aling Toyang". Agad ako pumasok para makita ang putahe o ulam na handa nila nung umaga na yon. Agad ko nakita ang pritong maling na may itlog. medyo may kamahalan ang per order nila kasi medyo malaki din ang lugar na inookopahan nila sa gusali na yon. Sabi ko sa tindera. Ms. Isang Rice! at yung maling nga!, Pa add din ng fried egg!. Agad naman na hinanda ang order ko, at since self service ang kainan na yun, kea inaantay ko na e abot sa akin ang order ko na dine-in. pagka abot ng pagkain ay humirit pa ako ng "Miss. pahingi ng Sabaw" kasi naman umaga at masarap humigop ng sabaw ng Magic Sarap o Nam-Nam o Broth Cubes. hindi umimik si ate nun, kea minabuti ko nalang na umpisahan na lamunin yung binili kong pagkain. Mga 5-6 Min. lang ako kumain usually, pero tinagalan ko para maantay ko yung hiningi ko na sabaw. Abay Punyeta at wala talagang sabaw na inabot sakin, at nung sinabi ko ulet "Miss. Pahingi naman ng Soup", baka kasi hindi na gets ni ate yung word na "Sabaw". At ang tanging sagot na ate ay: Sir! wla na pong soup!,....Abay isang subo na lang at matatapos na ako. Doon nag umpisa na uminit ang aking ulo! Pangit na nga yung tindera, hindi pa ako binigyan ng sabaw!... gusto ko na mag mura sa mga panahon yun pero pinigilan ko ang ang aking sarili....Pagkalabas ko sa kainan na yun ay nasira na ang aking magandang umaga!!!.........Hayz,...... Advice lang sa mga kainan dyan! Tuwing umaga ay dapat e chanda ang sabaw ng Magic Sarap o kung ano mang Vetsin ang pwede kasi po usually unang hinahanap po iyan ng mga customer.....

Biyernes, Mayo 27, 2011

Chizmiz sa Elevator

Magandang hapon sa ating lahat, sa lahat ng mga nagbabasa sa blog na ito. ang aking kumento ngayon sa hapon na ito ay tungkol sa mga chismosa nating mga kababayan, talaga nga naman. Kahit ba naman sa elevator ay maraming chismis, One time pauwi na ako galing office ay may nakasabay ako na mga call center agents. Apat na babae. kwetuhan nila ay tungkol sa isang kasamahan nila sa trabaho na call center agent din. Aba naman pati ba naman medyas ng kapwa nila call center agent ay napansin pa, ung isang babae nagkwento, na kung dumating na daw yung tao na yun ay bumabaho dun sa lugar nila (siguro tapat na cubicle laman o isang room.), kwento ng isang babae na nakasabay ko ay ung babae daw na iyon ay hindi raw nagsusuklay ng buhok, at mabaho daw ang hininga, sabay naman daw silang mag tooth brush. kwento rin ng isang baba na nakasabay ko ay, parang hindi raw nagpapalit ng damit itong babae na pinag uusapan nila. Dyos ko hangang makarating ng ground floor. Natigil lang ang usapan nung mag bukas ang pinto ng elevator. Noong pagka labas ko ay napag isip isip ko na meron tlgang mga taong ganun yung pag uugali, at nabubuo yung mga ganon na usapan pag nasa elevator na. huhuhu....

Linggo, Mayo 22, 2011

Gays angry with Dionisia over slur | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

Gays angry with Dionisia over slur | ABS-CBN News | Latest Philippine Headlines, Breaking News, Video, Analysis, Features

Mga basurang jeep sa kalsada!

Tang ina talaga ung mga jeep na kinalawang na! bumibyahe pa!, tuloy puro kalawang din ung white polo shirt ko!, bwesit talaga!, nakakasira ng araw!. Dapat sa mga jeep na kinalawang na ay gawing tanzan, o kaya takip ng kaldero. Kaya nga bumababa ang moral ng mga pilipino kasi, masyadong matipid! Ayun nga sa isang driver na nakausap ko "Di bale na yung kalawang basta't ang importante ay tumatakbo pa!", para sa akin ay napaka walang kwentang sagot! at sana man lang mag lagay ang mga driver ng jeep ng kahit maliit na electric fan sa loob ng kanilang mga sasakyan, kasi, parang mga pandesal ang mga tao sa loob, lalong lalo na pag tag init.!

Sabado, Mayo 21, 2011

Kailangan bang nasa katungkulan para maka tulong sa kapwa?

Hindi kailangang nasa katungkulan ang isang tao para maka tulong sa mga kapus palad. Kahit ang tao ay walang pera ay hindi ito dahilan para hindi makatulong sa iba. Nasaan na yong mga taong nangangakong magiging super hero para sa mga mahihirap? Lalabas yung mga ganung klaseng tao sa panahon lamang ng eleksyon..hahahah. sorry! pero yun po ang katotohanan, Sabagay hindi po dapat ika hiya, kasi hindi lang naman mga pinoy ang gumagawa ng ganun, Laganap ito sa lahat nga lugar, kung baga "Pandaigdigan ito", Puro pangako...pangako.. panagko. Ang mga naloloko naman ay antay ng antay nang magandang buhay.

Pinoy Komentador: Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?



Pinoy Komentador: Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?: "Napakahirap isipin kung pano naisip ng mga nagsabi na ngayong araw na ito ang tinatawag na 'Judgement Day' o araw ng paghuhukom. Hindi ba ni..."

Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?

Napakahirap isipin kung pano naisip ng mga nagsabi na ngayong araw na ito ang tinatawag na "Judgement Day" o araw ng paghuhukom. Hindi ba nila naisip na walang tao sa mundong ito ang nakaka alam kung kelan mangyayari yun!, hahahahah, Nakakatuwa lang isipin. Kung ang basehan ay bibliya, ang masasabi ko ay >>>> Oo naman nasa bibliya ang 3 days darkness, mga malalakas na lindol, pandaigdigan gulo at kung anu-ano pang pangyayari na kikitil ng buhay. Pero wala kang makikita sa bibliya na may eksaktong petsa/buwan o taon. Sa aking sariling pananaw, Maaring nangyayari na ang mga ito, pero nag uumpisa pa lamang. Siguro hindi lang bibliya ang basehan kung bakit nangyayari ang mga ito, Sa aking sariling pananaw isa ang tao sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalaking baha, bagyo, at kung ano pa. Tao ang may kasalan o dahilan  kung bakit nangyayari ang mga ito. Napakaraming prediksyon tunkol sa kung kelan magaganap ang kinatatakutan ng tao, pero wala sa mga ito ang mga nagkakatotoo, siguro nagkataon lamang. Ang masasabi ko lamang patunkol sa issue na ito ay: "Wag basta-basta maniniwala sa mga sabibi", dahil kung mangyayari man ang paghuhukom ay wala na tayong panahon para makapag handa pa.............

Huwebes, Mayo 19, 2011

Paghihigpit sa pampublikong kalsada.

Sa panahon ngayon na maiinit pa ang issue tunkol dun sa nangyaring aksidente sa kalye, Naghigpit ang MMDA mga pulis at kung iba pang ahensya ng gobyerno sa ating mga kalsada. Siguro sa dahilan, na presko pa yung issue dun sa aksidente na nangyari kamakailan. Sa aking sariling pananaw, nagpapakitang gilas na naman ang ating mga kapolisan dahil nakatutok lahat ng mga kamera sa isyo na ito.