Sabado, Mayo 21, 2011
Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?
Napakahirap isipin kung pano naisip ng mga nagsabi na ngayong araw na ito ang tinatawag na "Judgement Day" o araw ng paghuhukom. Hindi ba nila naisip na walang tao sa mundong ito ang nakaka alam kung kelan mangyayari yun!, hahahahah, Nakakatuwa lang isipin. Kung ang basehan ay bibliya, ang masasabi ko ay >>>> Oo naman nasa bibliya ang 3 days darkness, mga malalakas na lindol, pandaigdigan gulo at kung anu-ano pang pangyayari na kikitil ng buhay. Pero wala kang makikita sa bibliya na may eksaktong petsa/buwan o taon. Sa aking sariling pananaw, Maaring nangyayari na ang mga ito, pero nag uumpisa pa lamang. Siguro hindi lang bibliya ang basehan kung bakit nangyayari ang mga ito, Sa aking sariling pananaw isa ang tao sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalaking baha, bagyo, at kung ano pa. Tao ang may kasalan o dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito. Napakaraming prediksyon tunkol sa kung kelan magaganap ang kinatatakutan ng tao, pero wala sa mga ito ang mga nagkakatotoo, siguro nagkataon lamang. Ang masasabi ko lamang patunkol sa issue na ito ay: "Wag basta-basta maniniwala sa mga sabibi", dahil kung mangyayari man ang paghuhukom ay wala na tayong panahon para makapag handa pa.............
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento