Biyernes, Mayo 27, 2011
Chizmiz sa Elevator
Magandang hapon sa ating lahat, sa lahat ng mga nagbabasa sa blog na ito. ang aking kumento ngayon sa hapon na ito ay tungkol sa mga chismosa nating mga kababayan, talaga nga naman. Kahit ba naman sa elevator ay maraming chismis, One time pauwi na ako galing office ay may nakasabay ako na mga call center agents. Apat na babae. kwetuhan nila ay tungkol sa isang kasamahan nila sa trabaho na call center agent din. Aba naman pati ba naman medyas ng kapwa nila call center agent ay napansin pa, ung isang babae nagkwento, na kung dumating na daw yung tao na yun ay bumabaho dun sa lugar nila (siguro tapat na cubicle laman o isang room.), kwento ng isang babae na nakasabay ko ay ung babae daw na iyon ay hindi raw nagsusuklay ng buhok, at mabaho daw ang hininga, sabay naman daw silang mag tooth brush. kwento rin ng isang baba na nakasabay ko ay, parang hindi raw nagpapalit ng damit itong babae na pinag uusapan nila. Dyos ko hangang makarating ng ground floor. Natigil lang ang usapan nung mag bukas ang pinto ng elevator. Noong pagka labas ko ay napag isip isip ko na meron tlgang mga taong ganun yung pag uugali, at nabubuo yung mga ganon na usapan pag nasa elevator na. huhuhu....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento