Martes, Mayo 31, 2011
Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig
Noong araw ng lunes ay maaga akong pumasok para maiwasan ang late at baka ma half day na naman, sa liit ba naman kasi ng sinasahod ko mababawasan pa ng late at halfday. Syempre ganado ako na naglakad pagka baba ng jeep sa may strata 2000. Agad ko naramdaman ang pagka gutom nung makita ko yung kainan na iyon, Siguro ay itago na lang natin sa pangalan na "Kainan ni Aling Toyang". Agad ako pumasok para makita ang putahe o ulam na handa nila nung umaga na yon. Agad ko nakita ang pritong maling na may itlog. medyo may kamahalan ang per order nila kasi medyo malaki din ang lugar na inookopahan nila sa gusali na yon. Sabi ko sa tindera. Ms. Isang Rice! at yung maling nga!, Pa add din ng fried egg!. Agad naman na hinanda ang order ko, at since self service ang kainan na yun, kea inaantay ko na e abot sa akin ang order ko na dine-in. pagka abot ng pagkain ay humirit pa ako ng "Miss. pahingi ng Sabaw" kasi naman umaga at masarap humigop ng sabaw ng Magic Sarap o Nam-Nam o Broth Cubes. hindi umimik si ate nun, kea minabuti ko nalang na umpisahan na lamunin yung binili kong pagkain. Mga 5-6 Min. lang ako kumain usually, pero tinagalan ko para maantay ko yung hiningi ko na sabaw. Abay Punyeta at wala talagang sabaw na inabot sakin, at nung sinabi ko ulet "Miss. Pahingi naman ng Soup", baka kasi hindi na gets ni ate yung word na "Sabaw". At ang tanging sagot na ate ay: Sir! wla na pong soup!,....Abay isang subo na lang at matatapos na ako. Doon nag umpisa na uminit ang aking ulo! Pangit na nga yung tindera, hindi pa ako binigyan ng sabaw!... gusto ko na mag mura sa mga panahon yun pero pinigilan ko ang ang aking sarili....Pagkalabas ko sa kainan na yun ay nasira na ang aking magandang umaga!!!.........Hayz,...... Advice lang sa mga kainan dyan! Tuwing umaga ay dapat e chanda ang sabaw ng Magic Sarap o kung ano mang Vetsin ang pwede kasi po usually unang hinahanap po iyan ng mga customer.....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

1 komento:
"agad" counter: 4
Mag-post ng isang Komento