Pages

Ads 468x60px

Martes, Hunyo 21, 2011

Paslit


Kailan kaya matatapos ang paghihirap ni Juan Dela Cruz? o kailan kaya ang katapusan o pagunaw ng mundo para matapos
na din ang kahirapan ng tao?

Sa mga walang pag asa sa buhay ito ang kanilang hiling... anu rin kaya ang hiling ng mga taong walang makain sa araw-araw?

Isang gabi pauwi na ako galing office, medyo natagalan ako sa pag uwi kasi sinamahan ko pa ang girlfriend ko mamili ng damit.
pumara ako ng bus sa may SM Megall papuntang Cubao. Kasabay ko ag ang girlfriend ko sa bus kasi parehas din naman kami ng uuwian, sa makatwid ay nasa isang bahay lang kami. Dumating kami ng Cubao saktong alas 11:00PM, at dumaan sa may Farmers Market, kakain sana kami ng lugaw sa paborito ko na lugawan kaso sarado na yung tindahan, nakakapag taka nga at maaga sila nag sara, usually kasi saktong 12:00AM yun nagsasara, tinanung ko ung takatak boy kung bakit maaga sila nag sara?, sagot ng takatak boy,
na lagi ko kasabay kumain dun, "Wala kasi customer sir!, kea maaga umuwi si ate.". Si ate na binangit ng takatak boy ay yung sales lady na pinopormahan nya. At dahil medyo palalim ng palalim na ang gabi, minabuti namin na umuwi na, at napagpasyahan din namin na sa may Puregold na din dumaan, kasi wala nang pila na jeep sa ganung oras. Dumaan kami sa may Puregold gilid ng EuroTel o Euro Hotel...
Pagkadaan namin sa gilid na EuroTel ay nakita ko ang isang paslit. Nakayuko siya at sa tabi nya ay iilang piraso ng Sampaguita. Hindi siya
nakahiga, Nakayuko lamang ito na parang pinipisil ang kanyang sikmura, siguro sa sobrang hapdi dahil sa gutom. Sa panahon yun ay sobra sobra ang aking awa sa naturang paslit, at para bang nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nais ko mang tulungan ang bata kaso wala akong magawa, kasi gipit din ako, ni halos wala akong sinahod sa isang buong buwan. Wala akong magawa kundi tingnan na lang ang bata....Sabi ko
nga sa sarili ko, kung nangyaring may pera lang ako ng mga panahon na yun, ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang bata...tancha ko nasa mga sampung taong gulang ang paslit.

Ngayon.....ito ba ang sinasabi ng ating pamahalaan, na wala nang magugutom sa pinoy?, wala nang mamalimos sa kalye ng Metro Manila, Ako mismo
ay hiyang hiya para sa ating bansa, sa kabila ng kaunlaran ng iba ay maraming kapos palad na naiiwan at nagugutom, Mabuti na nga lang siguro
magunaw na ang mundo para lahat tayo magikging pantay panatay, walang mahirap, walang mayaman. Nakikita lang ang ugaling pinoy sa oras ng kagipitan
pero sa panahon na tulad nang sa ngayon ay WALA.... Hindi napapansin ng mga mayayaman at maykapangyarihan ang ganitong issue sa ating lipunan.

Linggo, Hunyo 12, 2011

Diborsyo sa Pinas

Image by: http://www.diyfather.com


Sa bansang Pilipinas ay hindi kailanman magiging legal ang divorce, ito ay sa kadahilanan na marami ang tutol dito. Pero sa aking sariling pananaw, dapat sa umpisa pa lang ng relasyon, dapat na nating tingnan at tanchahin ang mga posibleng mangyayari sa oras na magpakasal tayo. Dapat hindi padalos-dalos ang pag desisyon dito, dahil ito ay sagrado. Dapat sa panahon nang ligawan ay dapat isiping mabuti kung pano na kung itong tao na to ang makatuluyan ko?.....

Hindi kailanman solusyon ang magpakasal kung ang isang babae ay buntis, lalong lalo na kung hindi nya mahal ang isang lalaki dahil mauuwi lamang ito sa hiwalayan. Siguro hindi na dapat pang pag aksayahan ng oras itong issue natin sa deborsyo, napakaraming issue na dapat tutukan, isa na dito ang kahirapan ng mga tao sa pinas, pangungurakot ng mga nakaupo sa ahensya ng gobyerno. Kahit tanungin natin ang mga mahihirap regarding sa isyu na ito, malamang isasagot nila "Hindi ko alam yan.!!!"

Sabado, Hunyo 11, 2011

Araw ng Kalayaan - Tradisyong Mali

Magandang araw po sa ating lahat, para sa lahat ng mga tagasubaybay sa blog na ito.
Para sa lahat nating mga kapatid na bisaya, Maayong Adlaw Sa Inyong Tanan.

Ngayon po ay araw kung saan ipinag diriwang nating ang ating kalayaan.
Pero alam nyo ba na talagang hindi pinoy ang nagpapalaya sa ating bansa laban sa mga Kastila, Japones....

Sa pagkaka alam ng mga estudyante, Grade 1 to Grade 6 ay si Juan dela Cruz ang nagpapa laya sa ating bansa laban sa mga mananakop na dayuhan.... Itong paniniwala na ito ay isang malaking kasinungalingan, Hindi magkaroon ng kalayaan ang pinas kung hindi dumating ang mga amerikano sa ating bansa. Tanging sila lamang ang nagpapalaya ng ating bansa laban sa mga japon. Kaya sa tingin ko ay hindi natin dapat ipagmalaki na pinalaya natin ang ating bansa. Itong tradisyon na ito ay isa pong malaking pagkakamali.

Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Kainis na shuttle service sa Marikina


 Hayzz.. yung mga tao na imbis hindi ma late sa pinapasukan ay lalong na lalate o na half day, dahil sa kawalan ng "Sense of Urgency" ng mga driver ng shuttle sa Marikina, Nakakapagod, minsan pa ay hindi na arrange ng maayos ang mga psahero, kaya sa oras ng babaan ay nag kakainitan ng ulo. May mga shuttle din na walang aircon, dyos miyo!...... hindi dapat bumibyahe ang mga shuttle o FX na walang aircon, luging lugi sa pamasahe, may ibang driver din na kahit may bumababa pa na pasahero ay bigla bigla nlang patakbo., ehh pano na lang kung madisgrasya ng driver ang pasahero.?? kaya bang bayaran ng driver ang mga gastusin nito sa ospital pag nagkataon?....maraming driver din ng shuttle ang kulang sa pasensya at iba pa......

.......Haaaayyy, kapagod naman ang ganitong sistema, pwede pa bang mabago ang ganitong sistema ng mga shuttle operators at drivers.

Lunes, Hunyo 6, 2011

Pinoy Komentador: Ang RH Bill

Pinoy Komentador: Ang RH Bill: "Imaje ni: hindiakoto.wordpress.com Para naman tayong mga bobo,.... kailangan pa bang gumawa ng batas para dito, sa dami ng batas na pwede..."

Ang RH Bill

Imaje ni: hindiakoto.wordpress.com
Para naman tayong mga bobo,.... kailangan pa bang gumawa ng batas para dito, sa dami ng batas na pwedeng gawin ito pa ang binigyan halaga? susssss.... Miyo!.... Sa aking sariling pananaw, nasa tao naman ang pagtatalik, kaya ang tao din ang may kontrol para dito, Tutol ang simbahang katoliko para dito sa batas na ito, Dahil hindi ito naaayon sa katuruan ng simbahang katoliko, Pero marami din mga katoliko na hindi pa man na aprobahan ang batas na ito ay nauna nang gumamit sa ganitong klaseng pagkokontrol. Hindi masama ang magbuntis at dagdagan ang tao sa mundo, utos nga ito ng panginoon na magparami ng lahi. Pero dapat isipin din ng tao na habang dumarammi tayo ay pasikip na pasikip, hindi ang mundo kundi ang bulsani nanay  at tatay para paaralin ang mga anak, pasikip ng pasikip din ang trabaho na pwedeng pasukan, pasikip na pasikip din ang mga silid-aralan dahil sa kakulangan ng klasrom. Hindi mapupuno ng tao ang mundo. Dito sa isyu na ito na mainit na pinag dedebatehan ng tao ay sa tingin ko ay TAO PA DIN ANG MAY KONTROL!, para sa mga mag syota dyan, isipin muna ang bukas o darating na raw bago gumawa ng TAO... Mahirap ang buhay ngayon, pero para sa mga naka aangat ang buhay ay hindi nila iniisip kung ano ang ibig sabihin ng kahirapan....Sa mga mahihirap na nag subaybay sa blog na ito, ang maipapayo ko lang po ay, hinay-hinay lang po. Sundin ang ideya ng RH Bill kung kinakailangan, Pero para doon sa tagasubaybay na may kaya sa buhay, ang masasabi ko ay Go lang ng Go!....

Fishkill Sa Batangas



Wala na akong pake alam kung anu man ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Ang concern ko dito kung ano ang ginawa sa mga patay na isda. Sa kabobohan ba naman ng mga pinoy, Basta na lang nilibing ang mga namatay na isda bagkus pwede pa gumawa ng paraan kung paano ito pakikinabangan hindi sa pagkain kundi sa ibang paraan. Ang mga patay na isda ay pwedeng gawing natural fertilizer sa lupa, pwede rin itong ipakain sa mga gutom na hayop sa Manila Zoo. Dapat may mangasiwa sa pag recycle na tulad nito para hindi magamit ang mga patay na isda sa araw-araw na pagkain. Aminado naman tayo na ang "Patay at dapat na ilibing", pero katulad sa banda natin na mihirap, siguro may mga paraan pa para maipsan ang kahirapan, para doon sa mga magsasaka na hindi na kayang bumili ng commercial na fertilizer. Minsan lang mangyari ang fishkill kaya para sa akin ay, dapat mag isip ang mga pinoy kung panu ito gamitin sa mabuting paraan.

Miyerkules, Hunyo 1, 2011

Pinoy Komentador: Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig

Pinoy Komentador: Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig: "Noong araw ng lunes ay maaga akong pumasok para maiwasan ang late at baka ma half day na naman, sa liit ba naman kasi ng sinasahod ko mababa..."