Miyerkules, Setyembre 28, 2011
Biyernes, Setyembre 16, 2011
Police Alerto
Naka alerto ang ating mga kapulisan ngayon kasi meron daw Bomb Threat silang nasagap, ayon sa siguro mga asset. E syempre, alam na nang mga magtatanin ng bomba na may naka abang e malamang hindi sila ngayon mag hahasik ng lagim....LOL
Lolong ang dambuhalang buwaya
Hindi lang si Lolong ang dambuhalang buwaya sa Pilipinas, Maraming buwaya na maliliit pero malakas at matindi kung kumain, minsan ang mga ito ay tumatambay sa Edsa o sa mga pambublikong lansangan sa Metro Manila. LOL!,
Oo nga pla! back to the issue, usap-usapan ngayon, o may mga debate tungkol kay Lolong, kung ito ba ay pakawalan at ibalik sa kanyang dating tirahan, kung ako ang tatnungin dito sa isyu na ito ay, HINDI ako papayag, kasi, sa laki ng buwayang yun, pd pang makapinsala ng buhay ng tao ang hayup na yun.
Oo nga pla! back to the issue, usap-usapan ngayon, o may mga debate tungkol kay Lolong, kung ito ba ay pakawalan at ibalik sa kanyang dating tirahan, kung ako ang tatnungin dito sa isyu na ito ay, HINDI ako papayag, kasi, sa laki ng buwayang yun, pd pang makapinsala ng buhay ng tao ang hayup na yun.
Labels:
buwaya sa edsa,
higanteng buwaya,
lolong
Linggo, Agosto 21, 2011
Manual Processing sa LTO?
May naririnig ako sa radio na magiging manual na ang lahat ng transaksyon sa LTO, ito daw ay sa dahilan na iiwan na ng STRADCOM ang LTO dahil sa hindi daw mabayaran nito ang utang ng LTO sa STRADCOM?........., ito ay napakalaking kabobohan na naman ng LTO....
Labels:
LTO
Huwebes, Agosto 18, 2011
Ang Galing ng Pinoy!
![]() |
| credits: gmsnews.tv |
Ang lakas pa ng loob ng pinas na manita ng dayuhan, Ano kaya kung gyerahin tayo ng China?, May lalaban kaya tayo. O malakas lang loob natin kasi ka alyado natin ang Amerika?.......
Dito makikita kung ano lang yung tunay na kakayanin natin. Isa sa mga dahilan dito ay ang kurapsyon sa gobyerno.
Labels:
pilipinas
Martes, Agosto 2, 2011
Pinoy Komentador: Pesteng Driver
Pinoy Komentador: Pesteng Driver: "Peste talaga yung isa sa mga driver ng shuttle dyan sa may pila ng Marikina. Gumagawa ba naman ng sariling daan, samantalang, maluwag naman ..."
Pesteng Driver
Peste talaga yung isa sa mga driver ng shuttle dyan sa may pila ng Marikina. Gumagawa ba naman ng sariling daan, samantalang, maluwag naman ang nakasanayang daan.....tuloy late ang lahat ng mga pasahero, syempre pati na din ako, half day pa. peste talaga sya....sira ulo....
Linggo, Hulyo 31, 2011
Ang Bagong Batas
Sana gagawa ang mga congresista ng batas na, bibitayin ang lahat ng mga politiko pag nagkasala o bapapatunayan na nagkasala. Kasi sa panahaon ngayon, walang takot ang mga politiko na mang nakaw ng pera, as in, hara harapan pa. Mga walang hiya...
Sana Mamatay nalang kayong lahat.....
Sana Mamatay nalang kayong lahat.....
Labels:
congressman,
malacanang,
manila,
pangulo,
philippines,
plunder,
president,
senador,
senator
Lunes, Hulyo 4, 2011
Smoking Ban
Magandang araw po sa ating mga taga subaybay ng blog na ito.
Kakapanoud ko lang sa news na maraming tao ang nahuhuli sa pambublikong lugar dahil sa pagyoyosi. Ang masasabi ko dito ay, huliin muna nila ang Presidente pagkat ang presidente ay naninigarilyo din naman. Isa pa dito, ang presidente ay isang ehemplo ng ating bayan na dapat tularan at sundin. Imbis na pagtuunan ang maraming isyu na kinakaharap ng pilipinas, panghuhuli pa ng mga naninigarilyo sa pampublikong lugar, sa tingin ko ay tsaka na lang itong mga panghuhuli na ito pag naayos na ang mga matitinding problema sa ating lipunan, nandyan ang sindekato ng droga, rape, patayan at iba pa na sa tingin ko ay nahihirapan ang ating mga kapulisan na sulusyunan kasi yung ibang krimen ay gawa din naman ng mga maimpluwensyang tao sa ating lipunan...
Kakapanoud ko lang sa news na maraming tao ang nahuhuli sa pambublikong lugar dahil sa pagyoyosi. Ang masasabi ko dito ay, huliin muna nila ang Presidente pagkat ang presidente ay naninigarilyo din naman. Isa pa dito, ang presidente ay isang ehemplo ng ating bayan na dapat tularan at sundin. Imbis na pagtuunan ang maraming isyu na kinakaharap ng pilipinas, panghuhuli pa ng mga naninigarilyo sa pampublikong lugar, sa tingin ko ay tsaka na lang itong mga panghuhuli na ito pag naayos na ang mga matitinding problema sa ating lipunan, nandyan ang sindekato ng droga, rape, patayan at iba pa na sa tingin ko ay nahihirapan ang ating mga kapulisan na sulusyunan kasi yung ibang krimen ay gawa din naman ng mga maimpluwensyang tao sa ating lipunan...
Labels:
kapulisan,
maimpluwensyang tao,
mayayman,
PNP,
president,
sigarilyo,
smoking ban,
yosi
Martes, Hunyo 21, 2011
Paslit
Kailan kaya matatapos ang paghihirap ni Juan Dela Cruz? o kailan kaya ang katapusan o pagunaw ng mundo para matapos
na din ang kahirapan ng tao?
Sa mga walang pag asa sa buhay ito ang kanilang hiling... anu rin kaya ang hiling ng mga taong walang makain sa araw-araw?
Isang gabi pauwi na ako galing office, medyo natagalan ako sa pag uwi kasi sinamahan ko pa ang girlfriend ko mamili ng damit.
pumara ako ng bus sa may SM Megall papuntang Cubao. Kasabay ko ag ang girlfriend ko sa bus kasi parehas din naman kami ng uuwian, sa makatwid ay nasa isang bahay lang kami. Dumating kami ng Cubao saktong alas 11:00PM, at dumaan sa may Farmers Market, kakain sana kami ng lugaw sa paborito ko na lugawan kaso sarado na yung tindahan, nakakapag taka nga at maaga sila nag sara, usually kasi saktong 12:00AM yun nagsasara, tinanung ko ung takatak boy kung bakit maaga sila nag sara?, sagot ng takatak boy,
na lagi ko kasabay kumain dun, "Wala kasi customer sir!, kea maaga umuwi si ate.". Si ate na binangit ng takatak boy ay yung sales lady na pinopormahan nya. At dahil medyo palalim ng palalim na ang gabi, minabuti namin na umuwi na, at napagpasyahan din namin na sa may Puregold na din dumaan, kasi wala nang pila na jeep sa ganung oras. Dumaan kami sa may Puregold gilid ng EuroTel o Euro Hotel...
Pagkadaan namin sa gilid na EuroTel ay nakita ko ang isang paslit. Nakayuko siya at sa tabi nya ay iilang piraso ng Sampaguita. Hindi siya
nakahiga, Nakayuko lamang ito na parang pinipisil ang kanyang sikmura, siguro sa sobrang hapdi dahil sa gutom. Sa panahon yun ay sobra sobra ang aking awa sa naturang paslit, at para bang nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nais ko mang tulungan ang bata kaso wala akong magawa, kasi gipit din ako, ni halos wala akong sinahod sa isang buong buwan. Wala akong magawa kundi tingnan na lang ang bata....Sabi ko
nga sa sarili ko, kung nangyaring may pera lang ako ng mga panahon na yun, ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang bata...tancha ko nasa mga sampung taong gulang ang paslit.
Ngayon.....ito ba ang sinasabi ng ating pamahalaan, na wala nang magugutom sa pinoy?, wala nang mamalimos sa kalye ng Metro Manila, Ako mismo
ay hiyang hiya para sa ating bansa, sa kabila ng kaunlaran ng iba ay maraming kapos palad na naiiwan at nagugutom, Mabuti na nga lang siguro
magunaw na ang mundo para lahat tayo magikging pantay panatay, walang mahirap, walang mayaman. Nakikita lang ang ugaling pinoy sa oras ng kagipitan
pero sa panahon na tulad nang sa ngayon ay WALA.... Hindi napapansin ng mga mayayaman at maykapangyarihan ang ganitong issue sa ating lipunan.
Labels:
devorce sa pinas,
kahirapan,
paslit,
philippines,
poor,
squat,
squatters,
starvation
Linggo, Hunyo 12, 2011
Diborsyo sa Pinas
![]() |
| Image by: http://www.diyfather.com |
Sa bansang Pilipinas ay hindi kailanman magiging legal ang divorce, ito ay sa kadahilanan na marami ang tutol dito. Pero sa aking sariling pananaw, dapat sa umpisa pa lang ng relasyon, dapat na nating tingnan at tanchahin ang mga posibleng mangyayari sa oras na magpakasal tayo. Dapat hindi padalos-dalos ang pag desisyon dito, dahil ito ay sagrado. Dapat sa panahon nang ligawan ay dapat isiping mabuti kung pano na kung itong tao na to ang makatuluyan ko?.....
Hindi kailanman solusyon ang magpakasal kung ang isang babae ay buntis, lalong lalo na kung hindi nya mahal ang isang lalaki dahil mauuwi lamang ito sa hiwalayan. Siguro hindi na dapat pang pag aksayahan ng oras itong issue natin sa deborsyo, napakaraming issue na dapat tutukan, isa na dito ang kahirapan ng mga tao sa pinas, pangungurakot ng mga nakaupo sa ahensya ng gobyerno. Kahit tanungin natin ang mga mahihirap regarding sa isyu na ito, malamang isasagot nila "Hindi ko alam yan.!!!"
Labels:
devorce,
devorce sa pinas,
kasal,
philippine devorce
Sabado, Hunyo 11, 2011
Araw ng Kalayaan - Tradisyong Mali
Magandang araw po sa ating lahat, para sa lahat ng mga tagasubaybay sa blog na ito.
Para sa lahat nating mga kapatid na bisaya, Maayong Adlaw Sa Inyong Tanan.
Ngayon po ay araw kung saan ipinag diriwang nating ang ating kalayaan.
Pero alam nyo ba na talagang hindi pinoy ang nagpapalaya sa ating bansa laban sa mga Kastila, Japones....
Sa pagkaka alam ng mga estudyante, Grade 1 to Grade 6 ay si Juan dela Cruz ang nagpapa laya sa ating bansa laban sa mga mananakop na dayuhan.... Itong paniniwala na ito ay isang malaking kasinungalingan, Hindi magkaroon ng kalayaan ang pinas kung hindi dumating ang mga amerikano sa ating bansa. Tanging sila lamang ang nagpapalaya ng ating bansa laban sa mga japon. Kaya sa tingin ko ay hindi natin dapat ipagmalaki na pinalaya natin ang ating bansa. Itong tradisyon na ito ay isa pong malaking pagkakamali.
Para sa lahat nating mga kapatid na bisaya, Maayong Adlaw Sa Inyong Tanan.
Ngayon po ay araw kung saan ipinag diriwang nating ang ating kalayaan.
Pero alam nyo ba na talagang hindi pinoy ang nagpapalaya sa ating bansa laban sa mga Kastila, Japones....
Sa pagkaka alam ng mga estudyante, Grade 1 to Grade 6 ay si Juan dela Cruz ang nagpapa laya sa ating bansa laban sa mga mananakop na dayuhan.... Itong paniniwala na ito ay isang malaking kasinungalingan, Hindi magkaroon ng kalayaan ang pinas kung hindi dumating ang mga amerikano sa ating bansa. Tanging sila lamang ang nagpapalaya ng ating bansa laban sa mga japon. Kaya sa tingin ko ay hindi natin dapat ipagmalaki na pinalaya natin ang ating bansa. Itong tradisyon na ito ay isa pong malaking pagkakamali.
Miyerkules, Hunyo 8, 2011
Kainis na shuttle service sa Marikina
Hayzz.. yung mga tao na imbis hindi ma late sa pinapasukan ay lalong na lalate o na half day, dahil sa kawalan ng "Sense of Urgency" ng mga driver ng shuttle sa Marikina, Nakakapagod, minsan pa ay hindi na arrange ng maayos ang mga psahero, kaya sa oras ng babaan ay nag kakainitan ng ulo. May mga shuttle din na walang aircon, dyos miyo!...... hindi dapat bumibyahe ang mga shuttle o FX na walang aircon, luging lugi sa pamasahe, may ibang driver din na kahit may bumababa pa na pasahero ay bigla bigla nlang patakbo., ehh pano na lang kung madisgrasya ng driver ang pasahero.?? kaya bang bayaran ng driver ang mga gastusin nito sa ospital pag nagkataon?....maraming driver din ng shuttle ang kulang sa pasensya at iba pa......
.......Haaaayyy, kapagod naman ang ganitong sistema, pwede pa bang mabago ang ganitong sistema ng mga shuttle operators at drivers.
Lunes, Hunyo 6, 2011
Pinoy Komentador: Ang RH Bill
Pinoy Komentador: Ang RH Bill: "Imaje ni: hindiakoto.wordpress.com Para naman tayong mga bobo,.... kailangan pa bang gumawa ng batas para dito, sa dami ng batas na pwede..."
Ang RH Bill
![]() |
| Imaje ni: hindiakoto.wordpress.com |
Fishkill Sa Batangas
Wala na akong pake alam kung anu man ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Ang concern ko dito kung ano ang ginawa sa mga patay na isda. Sa kabobohan ba naman ng mga pinoy, Basta na lang nilibing ang mga namatay na isda bagkus pwede pa gumawa ng paraan kung paano ito pakikinabangan hindi sa pagkain kundi sa ibang paraan. Ang mga patay na isda ay pwedeng gawing natural fertilizer sa lupa, pwede rin itong ipakain sa mga gutom na hayop sa Manila Zoo. Dapat may mangasiwa sa pag recycle na tulad nito para hindi magamit ang mga patay na isda sa araw-araw na pagkain. Aminado naman tayo na ang "Patay at dapat na ilibing", pero katulad sa banda natin na mihirap, siguro may mga paraan pa para maipsan ang kahirapan, para doon sa mga magsasaka na hindi na kayang bumili ng commercial na fertilizer. Minsan lang mangyari ang fishkill kaya para sa akin ay, dapat mag isip ang mga pinoy kung panu ito gamitin sa mabuting paraan.
Miyerkules, Hunyo 1, 2011
Pinoy Komentador: Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig
Pinoy Komentador: Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig: "Noong araw ng lunes ay maaga akong pumasok para maiwasan ang late at baka ma half day na naman, sa liit ba naman kasi ng sinasahod ko mababa..."
Martes, Mayo 31, 2011
Palpak na kainan sa Ortigas Center Pasig
Noong araw ng lunes ay maaga akong pumasok para maiwasan ang late at baka ma half day na naman, sa liit ba naman kasi ng sinasahod ko mababawasan pa ng late at halfday. Syempre ganado ako na naglakad pagka baba ng jeep sa may strata 2000. Agad ko naramdaman ang pagka gutom nung makita ko yung kainan na iyon, Siguro ay itago na lang natin sa pangalan na "Kainan ni Aling Toyang". Agad ako pumasok para makita ang putahe o ulam na handa nila nung umaga na yon. Agad ko nakita ang pritong maling na may itlog. medyo may kamahalan ang per order nila kasi medyo malaki din ang lugar na inookopahan nila sa gusali na yon. Sabi ko sa tindera. Ms. Isang Rice! at yung maling nga!, Pa add din ng fried egg!. Agad naman na hinanda ang order ko, at since self service ang kainan na yun, kea inaantay ko na e abot sa akin ang order ko na dine-in. pagka abot ng pagkain ay humirit pa ako ng "Miss. pahingi ng Sabaw" kasi naman umaga at masarap humigop ng sabaw ng Magic Sarap o Nam-Nam o Broth Cubes. hindi umimik si ate nun, kea minabuti ko nalang na umpisahan na lamunin yung binili kong pagkain. Mga 5-6 Min. lang ako kumain usually, pero tinagalan ko para maantay ko yung hiningi ko na sabaw. Abay Punyeta at wala talagang sabaw na inabot sakin, at nung sinabi ko ulet "Miss. Pahingi naman ng Soup", baka kasi hindi na gets ni ate yung word na "Sabaw". At ang tanging sagot na ate ay: Sir! wla na pong soup!,....Abay isang subo na lang at matatapos na ako. Doon nag umpisa na uminit ang aking ulo! Pangit na nga yung tindera, hindi pa ako binigyan ng sabaw!... gusto ko na mag mura sa mga panahon yun pero pinigilan ko ang ang aking sarili....Pagkalabas ko sa kainan na yun ay nasira na ang aking magandang umaga!!!.........Hayz,...... Advice lang sa mga kainan dyan! Tuwing umaga ay dapat e chanda ang sabaw ng Magic Sarap o kung ano mang Vetsin ang pwede kasi po usually unang hinahanap po iyan ng mga customer.....
Biyernes, Mayo 27, 2011
Chizmiz sa Elevator
Magandang hapon sa ating lahat, sa lahat ng mga nagbabasa sa blog na ito. ang aking kumento ngayon sa hapon na ito ay tungkol sa mga chismosa nating mga kababayan, talaga nga naman. Kahit ba naman sa elevator ay maraming chismis, One time pauwi na ako galing office ay may nakasabay ako na mga call center agents. Apat na babae. kwetuhan nila ay tungkol sa isang kasamahan nila sa trabaho na call center agent din. Aba naman pati ba naman medyas ng kapwa nila call center agent ay napansin pa, ung isang babae nagkwento, na kung dumating na daw yung tao na yun ay bumabaho dun sa lugar nila (siguro tapat na cubicle laman o isang room.), kwento ng isang babae na nakasabay ko ay ung babae daw na iyon ay hindi raw nagsusuklay ng buhok, at mabaho daw ang hininga, sabay naman daw silang mag tooth brush. kwento rin ng isang baba na nakasabay ko ay, parang hindi raw nagpapalit ng damit itong babae na pinag uusapan nila. Dyos ko hangang makarating ng ground floor. Natigil lang ang usapan nung mag bukas ang pinto ng elevator. Noong pagka labas ko ay napag isip isip ko na meron tlgang mga taong ganun yung pag uugali, at nabubuo yung mga ganon na usapan pag nasa elevator na. huhuhu....
Lunes, Mayo 23, 2011
Linggo, Mayo 22, 2011
Mga basurang jeep sa kalsada!
Tang ina talaga ung mga jeep na kinalawang na! bumibyahe pa!, tuloy puro kalawang din ung white polo shirt ko!, bwesit talaga!, nakakasira ng araw!. Dapat sa mga jeep na kinalawang na ay gawing tanzan, o kaya takip ng kaldero. Kaya nga bumababa ang moral ng mga pilipino kasi, masyadong matipid! Ayun nga sa isang driver na nakausap ko "Di bale na yung kalawang basta't ang importante ay tumatakbo pa!", para sa akin ay napaka walang kwentang sagot! at sana man lang mag lagay ang mga driver ng jeep ng kahit maliit na electric fan sa loob ng kanilang mga sasakyan, kasi, parang mga pandesal ang mga tao sa loob, lalong lalo na pag tag init.!
Sabado, Mayo 21, 2011
Kailangan bang nasa katungkulan para maka tulong sa kapwa?
Hindi kailangang nasa katungkulan ang isang tao para maka tulong sa mga kapus palad. Kahit ang tao ay walang pera ay hindi ito dahilan para hindi makatulong sa iba. Nasaan na yong mga taong nangangakong magiging super hero para sa mga mahihirap? Lalabas yung mga ganung klaseng tao sa panahon lamang ng eleksyon..hahahah. sorry! pero yun po ang katotohanan, Sabagay hindi po dapat ika hiya, kasi hindi lang naman mga pinoy ang gumagawa ng ganun, Laganap ito sa lahat nga lugar, kung baga "Pandaigdigan ito", Puro pangako...pangako.. panagko. Ang mga naloloko naman ay antay ng antay nang magandang buhay.
Pinoy Komentador: Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?
Pinoy Komentador: Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?: "Napakahirap isipin kung pano naisip ng mga nagsabi na ngayong araw na ito ang tinatawag na 'Judgement Day' o araw ng paghuhukom. Hindi ba ni..."
Gugunaw ang Mundo Ngayong Araw na ito?
Napakahirap isipin kung pano naisip ng mga nagsabi na ngayong araw na ito ang tinatawag na "Judgement Day" o araw ng paghuhukom. Hindi ba nila naisip na walang tao sa mundong ito ang nakaka alam kung kelan mangyayari yun!, hahahahah, Nakakatuwa lang isipin. Kung ang basehan ay bibliya, ang masasabi ko ay >>>> Oo naman nasa bibliya ang 3 days darkness, mga malalakas na lindol, pandaigdigan gulo at kung anu-ano pang pangyayari na kikitil ng buhay. Pero wala kang makikita sa bibliya na may eksaktong petsa/buwan o taon. Sa aking sariling pananaw, Maaring nangyayari na ang mga ito, pero nag uumpisa pa lamang. Siguro hindi lang bibliya ang basehan kung bakit nangyayari ang mga ito, Sa aking sariling pananaw isa ang tao sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalaking baha, bagyo, at kung ano pa. Tao ang may kasalan o dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito. Napakaraming prediksyon tunkol sa kung kelan magaganap ang kinatatakutan ng tao, pero wala sa mga ito ang mga nagkakatotoo, siguro nagkataon lamang. Ang masasabi ko lamang patunkol sa issue na ito ay: "Wag basta-basta maniniwala sa mga sabibi", dahil kung mangyayari man ang paghuhukom ay wala na tayong panahon para makapag handa pa.............
Huwebes, Mayo 19, 2011
Paghihigpit sa pampublikong kalsada.
Sa panahon ngayon na maiinit pa ang issue tunkol dun sa nangyaring aksidente sa kalye, Naghigpit ang MMDA mga pulis at kung iba pang ahensya ng gobyerno sa ating mga kalsada. Siguro sa dahilan, na presko pa yung issue dun sa aksidente na nangyari kamakailan. Sa aking sariling pananaw, nagpapakitang gilas na naman ang ating mga kapolisan dahil nakatutok lahat ng mga kamera sa isyo na ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)






